Excessive foreign travel ng gov’t officials, sinisilip na rin ng PACC
By Alvin Baltazar - August 15, 2019 , 1:08 pm

Ilang reklamo na rin ng excessive foreign travel ang iniimbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Ito ang ibinunyag ngayon ni PACC Commissioner Greco Belgica, bukod sa patong-patong na reklamo na may kaugnayan sa korapsiyon ang iniimbestigan ng kanilang tanggapan sa kasalukuyan.

Ayon kay Belgica, kabilang sa subject ng kanilang imbestigasyon hinggil sa labis-labis na pagbiyahe sa labas ng bansa ay mga nasa secretary level, undersecretary at assistant secretary.

Hindi naman nagbigay pa ng dagdag na detalye pa tungkol sa kung ilang miyembro ng gabinete ang under investigation dahil sa excessive foreign trip, pati na kung sinu-sinong ang kasalukuyang sumasailalim sa pagsisiyasat.

Ang hakbang na silipin na din ang foreign trips ng mga opisyales ng gobyerno ani Belgica, ay alinsunod sa concern mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa mga nadiskubre niyang maraming out of the country trips sa mga nakaraan, na ikinasibak na rin ng mga dating appointee mismo ng Presidente.

YOU MIGHT ALSO LIKE