!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
General Appropriations Bill, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa
By Kathleen Forbes - September 20, 2019 , 9:34 pm

Sa botong 257 yes at 6 na no, lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang 2020 national Budget.

Matapos ang viva voce voting sa ikalawang pagbasa, derecho sa 3rd reading ang House Bill 4228 o General Appropriations Bill matapos sertipikahan bilang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bumuo naman ng isang small committee ang kamara para sa mga posibleng pag-amyenda na kinabibilangan ng Appropriations Committee, Committee on Rules, Deputy Speakers, Minority at Majority leaders.

Inatasan naman sila na isumite ang proposed amendments sa September 23.

Naipasa ang pambansang pondo na mas maaaga ng dalawang linggo mula sa orihinal na schedule ng kamara na October 4.

YOU MIGHT ALSO LIKE