!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Grupo ng Filipino-Chinese, namahagi ng sanitation materials sa DOJ
By Julius Gonzales - February 14, 2020 , 7:03 pm

Nagtungo ngayon sa Department of Justice (DOJ) ang grupo ng mga Filipino-Chinese upang mamahagi ng kahong-kahong face mask, alcohol, at hand-sanitizers, pati na rin ng thermometers sa mga kawani ng DOJ.

Ang grupo ng Filipino-Chinese ay pinangunahan ng Pangulo ng Chinese-General Hospital na si Dr. James Dy, na nag-courtesy call muna kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

Kasama din ng grupo ang ilang miyembro ng Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry, at ang Philippine-Chinese Charitable Association sa ginawa nilang pagkakawanggawa.

Layunin ng kanilang hakbang na makatulong sa pag-iingat laban sa pagkalat ng Corona Virus Disease-19 o COVID-19 sa pamamagitan ng pamamahagi ng sanitation materials.

Bago ito ay nauna nang namahagi ng kaparehong sanitation materials ang grupo ng Filipino-Chinese sa Pasay City Hall ngayong Valentine’s Day.

YOU MIGHT ALSO LIKE