Halal foods, ipinakilala bilang bagong oportunidad para sa mga magsasaka
By EJ Lazaro - May 21, 2022 , 4:05 pm

Nagsagawa ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng tatlong-araw na symposium sa General Santos City upang irekomenda sa mga concerned officials ng ahensiya ang Halal food industry bilang bagong oportunidad na mapagkakakitaan ng mga agrarian reform beneficiary (ARB).

Ayon sa DAR, ang consultation at conference workshop sa Halal global business opportunities at integrated farming ay mas lalong magpapalawig sa mga negosyo ng mga organisasyon ng mga magsasaka kung isasama ang Halal food processing practices at magbubukas ng mga oportunidad sa mga agrarian reform beneficiaries organizations (ARBOs) ngayong panahon na malakas ang kompetisyon sa pagsasaka.

Idinagdag pa nito na sinimulan nila ang aktibidad bilang paraan ng DAR upang ipakilala sa mga kalahok kung ano ang magagawa ng multi-million industry sa pagpapabuti sa pamumuhay ng mga ARB.

Ang Halal ay mga pagkaing maaring kainin ng mga Muslim na naaayon sa kanilang mga kaugalian na sang-ayon sa batas ng Islam.

YOU MIGHT ALSO LIKE