!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Iba’t ibang money-making scheme sa Bilibid, isiniwalat ng dating opisyal ng BuCor
By Nimfa Asuncion - September 12, 2019 , 8:49 pm

Ilang modus ng pinagkakakitaan sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) ang isiniwalat ng ilang dati at kasalukuyang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor).

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong araw, kabilang sa mga humarap na testigo si dating BuCor officer in charge Rafael Ragos.

Sa kanyang testimonya, inisa-isa ni Ragos ang mga nalaman niyang money making scheme sa loob ng Bilibid.

Una na diyan ang pagpapasok ng mga babae, na kung tawagin nila doon ay mga ’tilapia’.

Ang mga babaeng ito na binabayaran at ibinibigay sa mga high profile inmate.

Aniya, hanggang ₱30,000 kada gabi ang ibinabayad sa mga babaeng ito para manatili ng magdamag sa loob ng Bilibid.

Ang ilan sa mga babaeng ito ay kalauna’y nagiging girlfriend o asawa naman ng mga inmate.

Ikalawang napagkakakitaan naman sa loob ang pangingidnap sa mga babaeng nagiging girlfriend ng mga high profile inmate kapalit ng ransom money.

Mga preso rin aniya ang nasa likod ng kidnapping na ito at nagaganap ang ransom negotiation sa loob ng bilibid.

Bukod dito, ibinunyag rin ni Ragos ang pagkakaroon ng virtual casino sa loob ng mga kubol ng mga high profile inmate.

Kung saan sa ibang kwarto ay umaabot pa ng hanggang bente kwatro oras ang pagsusugal.

YOU MIGHT ALSO LIKE