!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Ikalawang araw ng 2019 PBS Leaders Summit, ginaganap sa Verjandel Hotel, QC
By Diane Lear - November 8, 2019 , 4:14 pm

Tinalakay sa ikalawang araw ng 2019 PBS Leaders Summit ang iba’t ibang pangangailangan na kinakaharap ng mga istasyon sa probinsya.

Ilan sa mga pangunahing isyu na tinalakay sa sesyon ang mga problema sa broadcast equipment, pagtatayo ng mga bagong transmitter, pagde-deploy ng mga bagong sasakyan, at ibang pang isyu sa pagpapatakbo ng istasyon sa probinsya.

Ayon kay Philippine Broadcasting Service Director Giovanni Aportadera Jr., isa rin sa problema ng ahensya ang gratis o pagbibigay ng libreng airtime sa mga ahensya ng gobyerno na nagpo-programa sa PBS.

Binigyang-diin nito na hindi niya muling papayagan ang ganitong sistema sa kanyang termino, dahil prayoridad niya ang kapakanan ng buong ahensya.

Pinuri naman ni Aportadera ang mga PBS provincial station manager na may inisyatibong gumawa ng paraan, para matugunan ang mga kakulangan sa istasyon.

Siniguro naman ni Aportadera na isa-isang tutugunan ang pangangailangan ng mga istasyon sa probinsya, bago matapos ang kanyang termino.

YOU MIGHT ALSO LIKE