!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Ikalawang kaso ng Polio nakumpirma sa Laguna
By Jesson Tamondong - September 20, 2019 , 7:28 pm

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) ngayong hapon na nakumpirma nila may bagong kaso ng Polio sa bansa.

Ayon sa DOH, isang limang taong gulang na batang lalaki mula sa Laguna ang tinamaan ng nasabing virus.

Ito ay matapos magpositibo sa Polio virus ang ipanadalang sample sa Japan Natioal Institute for Infectious Diseases.

Ito ang ikalawang kaso ng Polio ngayong taon, matatandaang isang tatlong taong gulang na bata mula sa Lanao del Sur ang unang nagkaroon ng nasabing sakit.

Base sa report ng DOH, ang bata sa Laguna ay mayroong multiple pediatric diseases at nakitaan ng onset paralysis noong ikaw-25 ng Agosto.

Kasalukuyan na umanong nakalabas sa ospital ang bata at nakakalakad na ngunit patuloy pa rin minomonitor.

Kaugnay nito, ay hinihimok ngayon ni DOH Secretary Francisco Duque III ang lahat ng magulang ng mga batang limang taong gulang pababa, mga health workes at mga local chief executive, na makilahok sa synchronized polio vaccination na isasagawa sa kanilang lugar. d

Dahil ang vaccintion pa rin umano ang pinakamahusay na paraan upang di makuha ang nasabing Polio virus.

YOU MIGHT ALSO LIKE