Ilang mambabatas, magsasagawa ng house inquiry sa pambabastos sa isang transgender woman
By Kathleen Forbes - August 15, 2019 , 9:39 am

Mariing kinokondena nina Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas at Bataan Representative Geraldine Roman ang insidente kung saan isang transgender woman ang hindi pinayagang gumamit ng pambabaeng palikuran.

Ayon sa mga mambabatas, maghahain sila ng resolusyon para magsagawa ng isang house inquiry tungkol sa insidente.

Anila, hindi katanggap-tanggap ang pambabastos kay Gretchen Custodio Diez, na bukod sa hindi na pinagamit ng palikuran ay binastos at pinosasan pa.

Sinabi ni Representative Roman, na isa ring transgender woman, panahon na para ipasa ang SOGIE o Sexual Orientation and Gender Identity Expression Bill.

Dagdag pa ng Bataan 1st District representative, kung siya ay nabibigyan ng karampatang respeto na makagamit ng female restroom sa House of Representatives, ay dapat maibigay rin ang respetong ito sa iba pang miyembro ng LGBTQ Community.

YOU MIGHT ALSO LIKE