Japan, tutulong para mapalakas ng Pilipinas ang pagbabantay sa mga teritoryong sakop nito
By Lorenz Francis Tanjoco - December 7, 2021 , 1:40 pm

Kailangan walang balakid sa karagatan na sakop ng Pilipinas. Ito ang ipinunto ni Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko sa kanyang pagbisita sa Philippine Coast Guard (PCG) bilang bahagi ng Official Development Assistance (ODA) Press Tour, Courtesy Call at Project Site Visit.

Si Ambassador Kazuhiko ay sinalubong ni Coast Guard Commandant Leopoldo Laroya.

Ayon kay Ambassador Kazuhiko, patuloy na makikiisa ang bansang Japan sa pagpapalakas ng puwersa ng Pilipinas at Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea.

Sinabi pa ni Ambassador Kazuhiko na sa susunod na taon ay ibibiyahe na sa Pilipinas ang dalawang barko na gawa sa Japan na inaasahang magpapalakas sa maritime activity ng bansa.

Kasunod nito ay nag-ikot ang ambassador sa BRP Malabrigo na nakadaong sa Manila Bay para makita ng personal ang mga barkong pag-aari ng gobyerno ng Pilipinas.

YOU MIGHT ALSO LIKE