!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Kamara, ipinagpatuloy ang plenary debates ng proposed 2020 National Budget
By Kathleen Forbes - September 12, 2019 , 5:25 pm

Mabilis na naaprubahan ang pondo ng Games and Amusement Board, Philippine Sports Commission at Philippine Racing Commission.

Sa pagsalang naman ng budget ng TESDA, ipinasisilip ni Minority Leader Benny Abante ang ₱201 million fund balance ng TESDA na kanilang inilaan sa isang investment bond ayon na rin sa 2018 COA findings.

Ayon sa kongresista, base na rin sa ulat ng COA, iligal ang naturang hakbang ng TESDA at imbes na hayaan sa investment ay ilaan na lang ito sa pondo para sa Tulong Trabaho Act.

Kasabay nito ay nagbigay ng manifestation si Abante para sa dagdag na pondo para naman sa TESDA.

Mula kasi sa hinihiling nilang ₱19.9 billion ay ₱11.8 billion lamang ang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM).

Ani Abante, kailangan ng ahensya ng dagdag na pondo para mapaigting ang programa sa skills development para masolusyunan ang job-skill mismatch sa bansa.

Sumalang na rin ngayong hapon ang pondo ng Departemnt of Health (DOH).

Marami ring naging pasabog si Iloilo Representative at dating Health Secretary Janet Garin sa kanyang interpellation.

Isa dito ay ang maling paggamit sa pondo na pambili sana ng dengue test kits.

Sa kanila aniyang imbestigasyon, lumalabas na ipinahinto ang pagbili nito at inilipat sa opisina ng DOH Region 4a. Ginamit rin aniya ito sa ilang mga seminar at meeting na wala naman kinalaman sa dengue.

Kinuwestyon din nito ang anomalya sa pagbili at pag-apruba ng certification ng Japanese Encephalitis Vaccine.

Sa kabila naman nito nanawagan si Garin sa mga kasamahan sa kamara na maitaas ang pondo ng DOH.

YOU MIGHT ALSO LIKE