!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Pagpapaliban ng 2020 Brgy. at SK elections, pirmado na ni Pangulong Duterte
By Racquel Bayan - December 3, 2019 , 9:55 pm

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang RA 11462 o ang batas para sa pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.

 

President Rodrigo Roa Duterte signs the Postponement of the 2020 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections Act and the Malasakit Center Act during a ceremony at the MalacaƱan Palace on December 3, 2019. KING RODRIGUEZ/PRESIDENTIAL PHOTO

Layon ng bataas na ilipat sa December 2022 ang nakatakdang barangay at SK elections sa Mayo 2020.

Ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga nakaupong barangay at SK officials, na magpatupad ng mga polisiya at programa na naapektuhan sa pagkadelay ng pagpasa ng budget ngayong 2019.

Ito na ang ikatlong beses na nakansela ang Barangay at SK elections mula nang umupo si Pangulong Duterte.

Ang pinakahuling barangay at SK elections ay naganap noong Mayo taong 2018.

YOU MIGHT ALSO LIKE