!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Kaso ng pagpatay sa isang kolumnista, tinututukan
By Alvin Baltazar - October 22, 2019 , 10:52 am

Nakikipag-ugnayan na ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa mga otoridad para sa mabilis na pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng nangyaring pagpatay kay Jupiter Gonzales.

Si Gonzales ay nagsusulat ng kolum sa pahayagang Remate, at sinasabing kritiko ng iligal na sugal na talamak sa mga peryahan.

Ayon kay PTFoMS Executive Director Undersecretary Joel Egco, kanilang mariing kinokondena ang panibago na namang pagpatay sa isang kagawad ng media, habang tiniyak nitong kanilang tututukan ang isasagawang follow-up investigation na ikakasa ng mga otoridad.

Sinabi ni Egco, na anumang anyo ng media violence ay kanilang itinuturing bilang work-related hanggang sa magkaroon na ng linaw, sa kung ano ang posibleng motibo ng pagpaslang.

Si Gonzales ay idineklarang dead on arrival, habang ang kasama niyang isang Christopher Tiongson ay namatay on the spot matapos pagbabarilin kamakalawa ng gabi, sa Barangay Cacutud, Arayat, Pampanga.

YOU MIGHT ALSO LIKE