Konstruksyon ng bagong ospital sa QC, pasisimulan na
By Rey Ferrer - February 1, 2021 , 7:18 am

Sisimulan na ng Quezon City government ang pagpapatayo ng walong palapag na Visayas Avenue Medical Center sa Visayas Avenue, sa lungsod Quezon.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte ang VAMC ay may 200 bed capacity at magkakaroon din ng mga specialty centers tulad ng cancer, heart, kidney at infertility institute.

Isinagawa na ang ground breaking ceremony para sa opisyal na pagsisimula ng konstruksyon ng hospital building.

Pagtiyak pa ng alkalde kapag natapos na ang bagong ospital maraming taga Quezon City ang mabibigyan ng karampatang serbisyong medikal at pangkalusugan.

Photo by QC govt FB page

YOU MIGHT ALSO LIKE