!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Labor Sec. Bello, inatasan ng Pangulo na muling makipag-usap kay CPP Founding Chair Joma Sison
By Racquel Bayan - December 5, 2019 , 10:58 pm

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Labor Secretary Silvestre Bello III na makipag-usap kay Communist Party of the Philippines Founding Chair Joma Sison.  Isang senyales ng muling pagbuhay sa peace talks.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa situational briefing nito sa Legaspi City dahil pa rin sa bagyong Tisoy.

Bagama’t hindi muna idinetalye ng Pangulo, binanggit nito na inatasan niya ang Labor secretary na bumalik sa The Netherlands upang kausapin si Sison.

Sinabi ng Pangulo na ito na ang kaniyang huling baraha sa pagbuhay sa peace talks, dahil nauubusan na raw siya ng panahon.

Ayon sa Pangulo, walang statement ang maaaring matapos na mayroong ganap na finality.

Kung matatandaan kasi, November, 2017 nang opisyal na ihinto ng pamahalaan ang pakikipagusap sa National Democratic Front (NDF), habang buwan ng Marso ngayong taon nang inanunsyo ng Pangulo ang permanent termination ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at makakaliwang grupo.

Paglilinaw ng Pangulo, hindi niya pwedeng sabihin na ayaw na niyang ipagpatuloy ang pakikipag-usap sa mga ito, dahil hindi raw ito pahayag ng isang Pangulo.

YOU MIGHT ALSO LIKE