Mahigit 30,000 na OFWs, tinamaan ng COVID-19
By Julius Gonzales - January 27, 2022 , 5:38 pm

Pumalo na sa 30,783 na OFWs ang tinamaan ng COVID-19.

Ayon kay Ramon Pastrana ng DOLE International Labor Affairs Bureau, 21,696 sa OFWs ang naka-recover na habang mayroon namang 1,240 na nasawi.

Pagdating naman sa OFW assistance, sinabi ni Pastrana na mayroong 11,347 na OFWs ang nabigyan ng $200 o P10,000 financial assistance na may kabuuang P113.4 million na halaga.

128,355 naman sa mga ito ang nabigyan ng food at medical assistance sa halagang P1.28 billion.

518,645 OFWs naman ang naka-benepisyo sa DOLE-AKAP program sa halagang P5.25 billion.

YOU MIGHT ALSO LIKE