!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Manila Water, Maynilad, sasampahan ng kasong economic sabotage ng Pangulo
By Racquel Bayan - December 3, 2019 , 10:14 pm

Sasampahan ng reklamong economic sabotage ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Manila Water at Maynilad.

President Rodrigo Roa Duterte delivers his speech during the oath-taking ceremony of the newly- appointed government officials at the Malacañan Palace on December 3, 2019. ALBERT ALCAIN/PRESIDENTIAL PHOTO
President Rodrigo Roa Duterte delivers his speech during the oath-taking ceremony of the newly- appointed government officials at the Malacañan Palace on December 3, 2019. ALBERT ALCAIN/PRESIDENTIAL PHOTO

Ito ayon sa Pangulo, ay dahil sa hindi patas na kontrata ng mga ito sa pamahalaan kung saan talo ang mga Pilipino.

Kung matatandaan, ilang beses na ring binatikos ng Pangulo ang ‘onerous’ na kontrata, kung saan nakasaad na hindi maaaring makialam o manghimasok ang pamahalaan sa rate-setting. Ibig sabihin, kontrolado lamang ng water firms ang galaw ng presyo ng tubig, at ito mismo ang ikinagagalit ng Pangulo.

Ayon kay Pangulong Duterte, libre ang tubig sa Pilipinas at distributor lang naman ang papel ng mga ito.

Binanggit rin ng Pangulo ang matagal na panahong pangungulekta ng mga ito ng water treatment fee, gayung hindi naman raw ito nararamdaman ng publiko. Malinaw ayon sa Pangulo, na ginagawa na nilang gatasan ang mga Pilipino.

Sinabi ng Pangulo, na panahon na upang i-expose ang mga mayayamang nakikinabang dito, at hindi siya natatakot kung ang hakbang na pagbangga sa mayayamang ito ang magdi- determina kung mapapabilis ang pagbaba niya sa pwesto, o kung kakasuhan rin siya ng mga ito.

YOU MIGHT ALSO LIKE