!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Maynila, maglalaan ng P20-M para sa disaster preparedness ng lungsod
By Jesson Tamondong - September 13, 2019 , 12:34 am

Maglalaan ngayon ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng P20-milyong piso para sa disaster preparedness ng lungsod.  Ito’y matapos lumabas sa pag-aaral ng mga eksperto na kulelat o nahuhuli ang Maynila pagdating sa kahandaan sa mga kalamidad.

Sinabi ni Manila PIO Chief Julius Leonen na bahagi ng nasabing budget ay ilalaaan sa pagbili ng mga aparato gaya ng sensors at devices na magmo-monitor ng baha, temperatura at panahon.

Gagawa rin ng sistema sa integrated disaster risk and resilience management plan ng University of the Philippines upang handa ang lungsod kung sakaling mangyari na ang kinatatakutang ‘the big one’ kung sakaling gumalaw ang Marikina Fault line.

YOU MIGHT ALSO LIKE