!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Mga inilikas sa evacuation centers dahil sa pag-aalburoto ng Taal, lagpas 43,000
By Leo Sarne - January 15, 2020 , 11:18 am

Mas dumami pa ang bilang ng mga apektado ng patuloy na pag-aalburoto ng bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas at Cavite.

Batay sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC kaninang umaga, umabot na sa mahigit 53,000 indibidwal o mahigit 12,000 pamilya sa Calabarzon ang apektado.

Sa bilang na ito, mahigit 43,000 indibidwal naman ang kasalukuyang kinakalinga sa 217 evacuation centers.

Sa kanilang monitoring wala pa ring suplay ng kuryente sa halos lahat ng bayan ng Batangas, ilang bayan sa Cavite at dalawang bayan sa Laguna, ang Calamba at Cabuyao.

Nasa mahigit P74 milyon halaga naman ang mga nasirang mga tanim na mais, kape at mga livestock sa Batangas at Cavite, dahil sa matinding ashfall sa lugar.

Nagpatupad na ng lockdown ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga bayang nasa loob ng danger zone ng Taal, at muling nanawagan sa mga apektadong residente na sumunod sa evacuation order ng mga awtoridad.

YOU MIGHT ALSO LIKE