!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Mga na-trauma sa lindol sa North Cotabato, sasailalim sa stress debriefing — DSWD
By Rey Ferrer - October 22, 2019 , 10:14 am

Nakikipag-ugnayan na ang Disaster Response Management Division ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Department of Health para magpatupad ng psycho-social interventions sa mga indibidwal na na-trauma sa malakas na lindol sa North Cotabato kamakailan.

May mga ulat na kasing natatanggap ang DSWD na maraming residente ang na-trauma dahil sa mga sunod-sunod na aftershocks sa kanilang lugar.

Ayon kay DSWD-12 Regional Director Joel Espejo kailangan aniyang matunton ang kinaroroonan ng mga ito upang ma-isailalim sa stress debriefing.

Kahapon, namahagi ng emergency relief supply ang DSWD sa mga residente sa bayan ng Tulunan at Makilala sa North Cotabato.

Bukod sa mga food packs namahagi din ang ahensiya ng mga laminated sacks at tents sa 3,394 pamilya sa dalawang bayan.

Binigyan na rin ng guarantee letters ng DSWD ang 70 injured persons na naka-confine sa mga pribado at government controlled hospital sa North Cotabato.

YOU MIGHT ALSO LIKE