!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Mga pinangalanang ‘PhilHealth mafia’, nanindigang walang katotohanan ang alegasyon sa kanila
By Nimfa Asuncion - August 15, 2019 , 10:31 am

Mariing pinabulaanan ng mga PhilHealth official na tinawag na ‘mafia’ ang paratang sa kanila sa ginanap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kahapon.

Sa inilabas na statement ng mga pinangalanang opisyal na sina Atty. Valerie Anne Hollero, Datu Masiding Alonto, Jr.,  Atty. Khaliquzzaman Macabato, William Chavez, Paolo Johann Perez, Dennis Adre, Atty. Jelbert Galicto, at Dr. Miriam Grace G. Pamonag, giniit ng mga ito ang pagnanais na linisin ang kanilang mga pangalan.

Anila, mula pa taong 2010 ay nagsumite na sila ng position paper na nagdedetalye ng mga maling polisiya at iba pang red flags na maaaring magpahiwatig ng katiwalian sa ahensya.

Gayunpaman, hindi anila ito inaksyunan ng mga namumuno noon sa PhilHealth kaya naging ganito na kalala ang sitwasyon ng ahensya.

Sa kanila umanong paninindigan para sa pagbabago, sila naman ay naging target ng pangha-harass ng mga taong nakikinabang sa katiwalian sa ahensya.

Ngayon ay sila pa ang tila ginagawang scapegoats para mapagtakpan ang kapalpakan ng nakaraang Philhealth administration.

YOU MIGHT ALSO LIKE