Mga pribadong indibidwal, hinimok na makibahagi sa balik-eskuwela
By Kathleen Jean Forbes - July 4, 2020 , 12:49 pm

Hinikaya’t ni Quezon City Representative Alfred Vargas ang mga community at alumni associations, foundations, at parent-teachers’ association na maging aktibo sa Local School Boards (LSBs) at tumulong sa pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral.

Ayon kay Vargas, dahil sa COVID-19, imbes na ‘Brigada Eskuwela’ ay ang mga gadget at connectivity ng mga estudyante at mga guro ang maaari nilang maitulong ngayong taon.

Mungkahi ng kongresista sa mga bubuo ng LSB na mag-donate ng gamit o kahit refurbished na computers at laptops para sa mga mag-aaral na walang kakayahan na makabili ng gadgets.

Hinikayat din nito ang LSB na pag-aralan ang pag-downgrade sa dami ng bawat klase, pagpapatupad ng alternate face-to-face classes at home learning mode.

Una nang sinabi ni Pasig Representative Roman Romulo, chair ng House Committee on Basic Education na ang mga pribadong kumpanya at makakakuha ng tax incentives kung makikibahagi sa Adopt-a-School program ng Department of Education (DepEd).

YOU MIGHT ALSO LIKE