!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Mga residente ng Tulunan, N. Cotabato, nakatanggap ng P30K cash assistance
By Macel Mamon Dasalla - October 22, 2019 , 11:42 am

Malaki ang pasasalamat ng mga residente ng Tulunan, North Cotabato sa natanggap na tulong mula kay Senator Bong Go at sa National Housing Authority (NHA).

Kahapon iniabot ni Sen. Bong Go at ng mga opisyal ng NHA ang tig P30,000 tulong pinansiyal para sa 52 initial recipient, mula sa Barangay Paraiso at Magbok ng bayan ng Tulunan.

Gagamitin ang nasabing tulong sa muling pagpapatayo ng kanilang mga bahay na lubhang napinsala ng lindol.

Nagpasalamat naman si Tulunan Mayor Pip Limbungan dahil unang nakatanggap ang kanilang munisipalidad ng nasabing tulong mula sa NHA.

Magpapatuloy naman sa araw na ito ang pamimigay ng tulong mula sa NHA sa mga lubhang naapektuhan ng magnitude 6.3 na lindol.

YOU MIGHT ALSO LIKE