!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Mga sangay ng gobyerno na nangangasiwa sa OFW concerns, pinababalasa ng isang labor group
By Rey Ferrer - January 23, 2020 , 3:47 pm

Iginiit ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang malawakang pagbalasa sa mga sangay ng gobyerno na nangangasiwa sa kapakanan ng Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon kay TUCP spokesperson Alan Tanjusay, nalantad ang kahinaan ng
Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Foreign Affairs (DFA), Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Overseas Workers Affairs na nagdidi-detalye sa mala-hayop na pagkamatay ni Jeanelyn Villavende sa Kuwait.

Lumitaw aniya sa pagdinig na walang malinaw na mekanismo at protocol ang mga ahensiya, para agarang saklolohan ang OFWs na humihingi ng tulong.

Tinukoy ni Tanjusay ang DOLE, DFA, mga recruiter, POEA at OWWA na may magkakaibang pamamaraan pagdating sa pagtiyak sa kaligtasan ng OFWs.

Inihalimbawa ni Tanjusay ang magkakaibang communication hotline numbers ng naturang government agencies, kaya hindi maisaulo ang mga ito, para sana matawagan ng mga distressed OFW.

YOU MIGHT ALSO LIKE