!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
MinDA, bumuo ng task group para sa agarang tulong sa mga biktima ng lindol 
By Armando Fenequito | RP1 Davao - October 22, 2019 , 12:14 pm

Bumuo ang Mindanao Development Authority (MinDA)  ng isang task group para sa mas mabilis na paghahatid ng ayuda at tulong sa mga biktima ng tumamang 6.3 magnitude na lindol noong nakaraang linggo.

Inihayag ni MinDA Secretary Manny Piñol na tatawagin itong MinDA Earthquake Rehabilitation Task Group, kung saan magsasagawa ito ng validation at assessment para malaman ang pinsala at bilang ng mga sugatan at namatay sa naturang insidente.

Ayon kay Piñol agad na isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang listahan para makapagpalabas ng pondo para sa mga ayuda at tulong na ibibigay.

Ipinag-utos din ng opisyal na suriing mabuti ang lahat ng mga pampublikong imprastraktura para agad itong maayos.

YOU MIGHT ALSO LIKE