!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
MPD, mas paiigtingin ang seguridad sa huling araw ng bar exam sa UST
By Jesson Tamondong - November 22, 2019 , 4:55 pm

Tiniyak ng Manila Police District (MPD) na mas magiging mahigpit ang kanilang seguridad sa huling araw ng bar examination sa University of Sto. Tomas (UST).

Kasabay ito ng inaasahang pagdagsa muli ng mga tagasuporta ng mga kumukuha ng bar examination sa huling Linggo ng pagsusulit.

Ayon sa MPD, magdadagdag sila ng mga police personnel sa loob at labas ng UST para sa mas malawak na police visibility.

Mahigpit din nilang ipatutupad ang mga umiiral na ordinansa ng Maynila sa bisinidad ng UST.

Kabilang sa mga ito ang city ordinance na nagbabawal sa pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar, pagbabawal sa pagbebenta ng alak sa mga menor de edad, at iba pang ipinagbabawal na maaaring makaabala sa pagdaraos ng pagsusulit.

Inaasahan kasi na dadagsa ang mga tao sa nakaugalian nang ¨Salubong¨ sa mga examinee para ipakita ang suporta sa kanilang pagkuha ng eksaminasyon.

Sa November 24 o sa Linggo na ang ika apat at huling araw ng bar exam para sa mahigit walong libong law graduates na nagnanais maging ganap na mga abogado.

YOU MIGHT ALSO LIKE