Navotas, bibibigyan ng cash incentives ang mga public school graduates
By Jesson Tamondong - May 26, 2020 , 1:05 am

Mamimigay ng cash incentive ang lokal na pamahalaan ng Navotas sa mga graduate ng mga pampublikong paaralan ng lungsod.

Ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco, naglaan ang lokal na pamahalaan ng P3.8 million upang bigyan ng cash incentive ang nasa 6,037 na mga graduate.

Ang mga graduate ng elementarya ay makakatanggap ng P500 habang ang mga nagsipagtapos naman ng high school ay makakakuha ng P1,000. Makakakuha naman ng P1,500 ang mga graduate ng kolehiyo.

Gagawing per batch ang pamimigay ng nasabing cash incentive upang masigurong masusunod ang physical distancing. May nakatakda na rin umanong schedule ang bawat paaralan kung saan ipamimigay ang pera.

At dahil inaasahan na karamihan sa mga benepisyaryo ay mga menor de edad o bawal lumabas ng bahay, maaaring ang mga magulang na o guardian na ang kumuha ng cash incentive.

Kailangan lamang ay naka-face mask at may dalang home quarantine pass, authorization letter na pirmado ng graduate, photocopy ng school ID graduate at ID ng magulang o guardian.

YOU MIGHT ALSO LIKE