OCD sa mga volunteer groups, ‘wag pasukin agad-agad ang danger zones sa Batangas para iligtas ang mga alagang hayop
By Alvin Baltazar - January 15, 2020 , 4:13 pm

Nanawagan ang Office of Civil Defense (OCD) sa mga grupo na nais magligtas ng mga alagang hayop sa danger zone sa Batangas na huwag basta-basta ito gawin.

Ayon kay OCD Assistant Secretary Casiano Monilla, hindi naman sila tutol na magsagawa ng pagsagip ang mga volunteer groups ngunit mas maigi aniyang humingi muna ang mga ito ng kaukulang clearance para mapasok ang isang partikular na area.

Maaari aniyang magkaroon ng koordinasyon sa Incident Command Post at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) para sa kaukulang abiso at clearance.

Hindi naman ani Monilla sila pipigilan kung ligtas naman ngunit kung delikado, ay hindi sila mapapahintulutang mapasok ang danger zones.

Kahapon ay nagtungo ang People for the Ethical Treatment of Animals o PETA sa evacuation zones at namahagi ng pagkain at veterinary care sa mga inabandonang mga hayop.

YOU MIGHT ALSO LIKE