Omicron sub-lineage na BA.2, naitala na sa iba’t ibang bahagi ng bansa
By Racquel Bayan - January 27, 2022 , 4:25 pm

Na-detect na mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang sub-variant ng Omicron na BA.2.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Philippine Genome Center (PGC) Executive Director Dr. Cynthia Saloma, na base sa mga sample na isinailalim sa genome sequencing ngayong Enero, halos lahat ay Omicron na at ilan na lamang ang Delta variant.

Sa 517 Omicron cases, 336 o pinakamarami sa mga ito ay BA.2, mula sa bilang na ito 248 ay nagmula sa Metro Manila.

Nasa 180 naman ang BA.1 sub-variant at isa naman ang orihinal na variant ng Omicron.

Ayon kay Dr. Saloma, karamihan sa mga tinamaan ng BA.2 sub variant ay asymptomatic at mild cases.

Gayunpaman, hindi pa rin aniya masasabi na hindi ito mapanganib lalo at base sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH), nasa limang Omicron cases na sa bansa ang nasawi. 

YOU MIGHT ALSO LIKE