!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Pag-amyenda sa ilang probisyon ng Revised Penal Code, isinusulong
By Kathleen Forbes - September 12, 2019 , 5:31 pm

Maghahain ng panukalang batas si ACT-CIS Partylist Rep. Eric Go Yap na layong linawin ang depenisyon ng good conduct para sa pagbibigay ng good conduct time allowance (GCTA) na magbabago sa Article 97 ng Revised Penal Code at binago ng RA 10592.

Sa gitna pa rin ito ng isyu sa GCTA for sale sa Bureau of Corrections (BuCor) at ang pagkakasama sa listahan ni pork barrel scam queen Janet Lim Napoles sa mga ikinokonsiderang mapalaya.

Ani Yap, nakakabahala ang pagkakasama ni Napoles sa GCTA kung saan kasong rape pa ang nakalagay na krimen nito.

Suportado rin ng mambabatas ang pagsasagawa ng pagdinig at imbestigasyon ng kongreso sa isyu upang mapanagot ang mga opisyal na sangkot dito.

YOU MIGHT ALSO LIKE