Pagbalik ni Sen. De Lima sa Custodial Center bukas, tiniyak ng PNP
By Nimfa Asuncion - August 15, 2019 , 1:10 pm

Tiniyak ni PNP Spokesperson Police BGen. Bernard Banac na makakabalik bukas sa PNP Custodial Center si Senator Leila Delima.

Ito ay matapos na pahintulutan ng korte na makalabas mula sa kanyang piitan sa Camp Crame ang senador para bisitahin ang kanyang may sakit na ina sa Iriga, Camarines Sur.

Ayon kay Banac, pinaghandaan nila ang security plan para sa pagdadala sa senador sa Bicol, kaya inaasahan nila na walang magiging problema hanggang sa kanyang pagbalik bukas.

Alas-4:30 kaninang umaga lumipad ang senador mula NAIA patungong Legaspi City kasama ang kanyang mga security escort.

Si De Lima ay nakakulong dahil sa akusasyon na may kinalaman umano ito sa kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP) noong nanunungkulan siya bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ).

YOU MIGHT ALSO LIKE