!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Pagbansag na ‘dagdag-bawas’ sa ipinapanukalang amendment ng Senado sa 2020 GAB, pinalagan ni SP Sotto
By Nimfa Asuncion - December 3, 2019 , 7:40 pm

Inalmahan ni Senate President Vicente Sotto III ang pahayag ng isang mambabatas na dagdag-bawas ang ginawang budget amendment ng Senado sa 2020 General Appropriations Bill (GAB).

Ito ang tugon ng lider ng senado sa pagtawag ni House Ways and Means Committee Chairperson, Albay Representative Joey Salceda na ‘dagdag bawas’ sa P230 billion halaga ng amendment ng senado sa 2020 GAB.

Partikular na kinuwestiyon ni Salceda ang panukalang realignment ng senado sa ₱3 billion  mula sa National Food Authority (NFA) tungo sa Landbank of the Philippines.

Ayon kay Sotto, hindi tamang tawagin itong ‘dagag-bawas’.

Aniya, institutional amendment ang tawag dito.

Giit ni Sotto, napakahalaga ng ginawang amendment na ito lalo’t gagamitin ito para sa limang libong pisong cash assistance para sa mga lokal na magsasakang apektado ng implementasyon ng Rice Tarrification Law.

Sa pamamagitan aniya ng naturang amendment, ay makakasiguro na tamang gagamitin ng Landbank ang pera.

Binigyang diin ng senate president, na paninindigan ng senado ang nga isinumite nilang amendment sa proposed 2020 national budget.

YOU MIGHT ALSO LIKE