!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Paggamit ng logbook, ioobliga ni PRRD sa mga miyembro ng gabinete
By Alvin Baltazar - January 15, 2020 , 3:36 pm

Oobligahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng gabinete na gumamit ng logbook.

Ginawa ng Chief Executive ang pahayag sa harap ng pagnanais nitong mabawasan ang byurukrasya at mai-record ang lahat ng nagaganap na transaksyon ng bawat Kagawaran.

Sinabi ng Pangulo na magiging laman ng logbook ang lahat ng kailangan para sa isang transaksyon ganundin ang mga papeles at dokumentong kailangan.

Dapat din daw na nakalista doon kung kailan naisumite ang dokumento at kailan ito nailabas.

Pagtiyak ng Chief Executive, magsasagawa siya ng auditing sa nilalaman ng logbook ng kanyang mga gabinete sa gitna ng pagnanais nitong mapaikli ang mga transaksyong ginagawa sa gobyerno.

Kaugnay nito’y maglalabas aniya siya ng Executive Order tungkol dito na kanyang ii-isyu sa susunod na Cabinet meeting.

YOU MIGHT ALSO LIKE