!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Paglalagay ng Malasakit Help Desks para sa ‘Undas’, ipinag-utos ng DOTr
By Rey Ferrer - October 22, 2019 , 11:22 am

Ipinag-utos na ng Department of Transportation (DOTr) ang paglalagay ng Malasakit Help Desks sa lahat ng transport hubs sa buong bansa.

Ang kautusan ay bahagi ng “Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2019” ng ahensiya na handang magbigay ng tulong sa publiko sa panahon ng Undas.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, magsisilbi aniyang one-stop shop ang Malasakit Help Desk, para tumulong sa mga pasahero sa mga airports, seaports, train stations at land terminals.

Kasama sa tulong na ibibigay ng help desk ang pamamahagi ng Malasakit Help Kits lalo na sa mga pregnant women, mga babae na may kasamang mga bata, mga matatanda at mga taong may kapansanan.

Giit pa ni Tugade, nais ng DOTr na gawing maginhawa at maayos ang paglalakbay ng mga tao.

Samanatala, paalala din ng DOTr na libre sa terminal fees sa airport at seaport ang mga estudyante mula elementarya hanggang college levels, kabilang ang naka-enroll sa technical at vocational schools.

Pati na ang mga senior citizen, person with disabilities (PWDs), at aktibong uniformed personnel ng Armed  Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG) at mga Medal of Valor awardees at kanilang pamilya.

YOU MIGHT ALSO LIKE