Paglusot ng Marawi Compensation Bill sa ikalawang pagbasa sa Senado, welcome para kay Deputy Speaker Hataman
By Kath Forbes - January 27, 2022 , 6:34 pm

Welcome para kay Deputy Speaker Mujiv Hataman ang pagkaka-arpuba ng Marawi Compensation Bill sa ikalawang pag-basa sa Senado.

Malaki ang pasasalamat ng Basilan solon sa mga senador na bumoto pabor sa panukala para mailapit ito sa pagiging isang ganap na batas.

Aniya, maglilimang taon na buhat nang maganap ang Marawi Siege noong 2017, at hanggang ngayon ay marami pa rin residente doon ang hindi pa nakakauwi sa kanilang mga tahanan at naibabangon ang kanialng kabuhayan.

Setyembre ng nakaraang taon nang pagtibayin ng Kamara ang panukala na bubuo ng iang compensation subcommittee sa ilalim ng Task Force Bangon Marawi o TFBM para manguna sa lahat ng claims application.

Ang halaga ng compensation ay ibabatay sa current market value ng nasirang property batay sa evaluation ng implementing agency, isang government financial institution o independent property appraiser.

YOU MIGHT ALSO LIKE