Pagpapatupad ng DepED ng alternative work arrangements, ipinasisilip
By Kathleen Forbes - August 6, 2020 , 7:12 pm

Inihain ng MAKABAYAN Bloc sa Kamara ang House Resolution 1109 upang silipin ang patakaran ng Department of Education sa pagpapatupad ng work arrangements sa gitna ng ‘state of national emergency’ dahil sa COVID-19.

Ayon kay ACT-TEACHERS Partylist Rep. France Castro, kulang sa safety protocols ang kasalukuyang guidelines ng ahensya gayong marami sa mga guro ay pinapapasok pa rin “physically” sa mga paaralan.

Bukod dito ay hindi umano dumaan sa konsultasyon ng mga guro, school-personnel, mga estudyante at mga magulang ang inilabas na revised guidelines para sa alternative work arrangements.

Nangangamba rin ang kinatwan na maaaring mas ma-expose sa COVID-19 ang guro at estudyante dahil sa paghahatid ng mga guro ang mga modules sa bawat bahay ng kanyang mga estudyante bukod pa sa magkakaroon din ng update sa development ng mga mag-aaral.

YOU MIGHT ALSO LIKE