!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Pag-withdraw ng kaso vs PRRD sa ICC, simula ng pag-alingasaw ng baho ng destabilizers
By Alvin Baltazar - January 15, 2020 , 2:06 pm

Unti-unti nang nahuhubaran at ngayo’y umaalingasaw na tila ashfall ang baho ngayon ng mga destabilizers ni Pangulong Rodrigo Duterte kabilang na si dating Senador Antonio Trillanes.

Reaksyon ito ng Malacañang kasunod ng ulat ng pagwi-withdraw ni Atty. Camilo “Jude” Sabio sa inihain nitong reklamong crime against humanity kay Pangulong Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Chief Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo, tiyak na namimilipit na ngayon sa kahihiyan si Trillanes kasunod ng pagbaligtad ni Sabio na aniya’y inuusig na ngayon ng konsensya.

Bukod kay Trillanes, binanatan din ng Palasyo ang ICC na dapat na aniyang magising sa pagiging ignorante nito at mapagtantong nagagamit lamang sila ng mga indibidwal na ang tanging puntirya ay pabagsakin ang Duterte Presidency.

Ang aniya’y “professional tie” sa pagitan nina Trillanes at ni Sabio dagdag ni Panelo ay nagwakas matapos na hindi mabayaran ng huli ang kanyang professional fee ng dating senador dahilan para ito’y bumaligtad gamit ang alibi na ayaw na niyang magamit sa political propaganda ng Partido Liberal.

YOU MIGHT ALSO LIKE