!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Pahayag ng ilang kritiko na resulta ng maling impormasyon ang nakuhang excellent net satisfaction rating ni PRRD, insulto sa mga Pinoy — PCOO
By Alvin Baltazar - January 23, 2020 , 11:22 am

Maituturing na insulto sa mga Pilipino ang naging pahayag ng iBON Foundation at ng ilang kritiko ng administrasyon na umanoy nabibigyan lamang daw ng maling datos o impormasyon ang publiko kayat nakakuha ng +72 points o excellent net satisfaction rating si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na marunong mag-analisa ang mga Pilipino partikular sa kung totoo o hindi ang mga impormasyon na kanilang natatanggap.

Mas maigi ani Andanar na tingnan na muna ng mga kritiko ang mga nagawa o accomplishment ng Duterte Administration bago magpakawala ng batikos at puna.

Doon lang anila mapagtatanto na nagawa rin ng administrasyon ang mga ipinangako nito sa taongbayan.

Ilan na dito ang may kinalaman sa Universal Health Care, free tertiary education ganundin ang iba pang mga proyekto ng pamahalaan gaya ng mga infrastructure projects na Build, Build, Build program.

YOU MIGHT ALSO LIKE