!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Palasyo: Maling listahan ng mga nakalayang preso sa ilalim ng GCTA, ‘di sinadya ng BuCor
By Racquel Bayan - September 21, 2019 , 11:04 am

Naniniwala ang Palasyo na hindi sinadya ng Bureau of Corrections (BuCor) ang paglalabas ng maling listahan ng mga presong nakalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, hindi intensiyon ng BuCor na maling listahan ang maisumite sa Philippine National Police (PNP) at Department of Justice (DOJ).

Sa kasalukuyan, ayon sa kalihim, mahigpit ang ginagawang koordinasyon ang BuCor at DOJ upang malaman kung sino ang talagang qualified at hindi qualified na maka-avail ng GCTA law.

Tiniyak naman ni Nograles, na handa ang pamahalaan na palayain ang mga  presong pasok sa kwalipikasyon ng batas habang ibabalik naman sa loob ng piitan ang mga presong hindi dapat nakinabang sa naturang batas.

YOU MIGHT ALSO LIKE