Palasyo, tiniyak ang kahandaan ng bansa sa inaasahang pagpasok ng mga bagyo ngayong Hulyo
By Racquel Bayan - July 4, 2020 , 12:08 pm

Tiniyak ng Palasyo ang kahandaan ng bansa sa mga paparating na bagyo sa Pilipinas ngayong buwan ng Hulyo.

Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nasa dalawa hanggang apat na bagyo ang inaasahang papasok sa bansa ngayong buwan.

Ayon kay Secretary Roque, naglabas na ng Memorandum ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nagbibigay ng guidance sa mga local governemnt units (LGUs) para sa kanilang mga preparasyon at adjustment sa kanilang tungkulin sa gitna na rin ng COVID-19.

Tiniyak rin ng kalihim na hindi mauubusan ng pondo ang pamahalaan dahil sa ginawang istratehiya ng Department of Finance (DOF) na pangu-ngutang sa international banks habang mataas ang credit rating ng Pilipinas.

Dahil dito, mayroon aniyang standby funds ang pamahalaan na maaaring magamit sakaling magkaroon ng aberya.

YOU MIGHT ALSO LIKE