!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Pamahalaan, bukas sa lahat ng rekomendasyon para masolusyunan ang trapiko sa mga kalsada – Palasyo
By Racquel Bayan - September 12, 2019 , 5:18 pm

Iginiit ng Palasyo na bukas ang pamahalaan sa lahat ng rekomendasyon na ikareresolba ng problema sa mga kalsada sa bansa partikular sa EDSA.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kasunod ng pahayag ni Senator Grace Poe, na dapat ay isang traffic expert ang kumikilos kaugnay sa trapiko sa halip na si Transportation Secretary Arthur Tugade.

Ayon kay Panelo, posibleng may indibidwal na nasa isip si Senator Poe at maaari naman niya itong i-rekomenda.

Sa kasalukuyan, nananatili aniya ang tiwala ng Pangulo kay Tugade lalo’t ginagawan naman raw nito ng paraan ang traffic sa EDSA, partikular ang paglalatag ng solusyon para dito, kabilang ang paggigiit ng emergency powers na una na aniyang kinontra ng kongreso.

YOU MIGHT ALSO LIKE