Sama-samang solution ang kailangan para maresolba ang problema sa EDSA – Usec. Batan
By Racquel Bayan - August 15, 2019 , 9:45 am

Hindi kakayanin ng iisang solusyon lamang ang bigat ng trapiko sa EDSA. Ito ang binigyang diin ni Transportation Undersecretary for Railways Timothy John Batan sa economic briefing sa Malacañang.

Ayon kay Batan, kailangan ng basket of solution upang maresolba ang matagal nang problema sa trapiko, at hindi rin uubra kung pamahalaan lamang ang kikilos sa problemang ito.

Ilan sa mga ibinigay na solusyon ni Usec. Batan ay ang iba’t ibang road expansion, mga bagong tulay, seaports, airports, skyway, LRT at MRT extension, maging ang inaabangang Metro Manila subway.

Paliwanag pa ni Batan, na sisiguraduhin nilang pagbubutihin pa ang serbisyo ng mga existing projects at transportasyon kabilang na ang MRT kung saan asahan na aniyang pagsapit ng 2021 ay maaayos at wala ng magiging aberya sa MRT.

YOU MIGHT ALSO LIKE