Pananalasa ng bagyong Dante sa Region 12, di napigilan ang pagsuko ng subleader ng Dawlah Islamiyah
By Leo Sarne - June 3, 2021 , 3:53 pm

Sa gitna ng pananalasa ng bagyong Dante sa Region 12, kusang loob na sumuko kahapon sa tropa ng 7th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Sultan Kudarat ang subleader ng Dawlah Islamiyah Maguid Terrorist Group.

Kinilala itong si Khalid Kalaing alyas Khalid, 57-taong gulang, na pinuno ng grupo na nag-ooperate sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Sa kabila ng mga baha, nagtungo sa headquarters ng 7th Infantry Battalion nakabase sa Isulan, Sultan Kudarat si Khalid para sumuko bitbit ang isang M635 rifle, isang M16A1 rifle, isang calibre .30 M1 carbine, isang M14 rifle, isang calibre .30 M1 garand rifle, at mga magazines at bala.

Sa ngayon nakikipag-ugnayan na ang militar sa Local Government Unit para makapagbigay ng tulong sa sumukong terorista para sa kanyang pagbabagong buhay kasama ang kanyang pamilya.

YOU MIGHT ALSO LIKE