!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
PRRD, ipinauubaya na sa US kung nais nila siyang imbitahan sa kanilang bansa o hindi
By Racquel Bayan - January 23, 2020 , 2:28 pm

Ipinauubaya na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Estados Unidos ang desisyon kung nais ba talaga nila ang presensya ng Pangulo sa kanilang bansa o hindi.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kasunod ng imbitasyon ni US President Donald Trump sa mga ASEAN Leader na tumungo sa Las Vegas para sa US-ASEAN Summit sa Marso.

Paliwanag ni Secretary Panelo, pinag-iisipan pa ito ng Pangulo, lalo’t una na niyang sinabi na ayaw niyang tumungo sa America.  Sakali man aniya na magpunta siya sa US, kahit na mismong si President Trump ang nag-imbita, ay mayroong US senators na hindi matutuwa na makita siya doon, lalo’t nangunguna siya sa listahan ng mga ito sa umano’y nasa likod ng pagkakakulong ni Senator Leila de Lima.

Ikalawa, hindi aniya tiyak ng Pangulo kung bibigyan siya ng visa ng US.  At sakali man na bigyan siya ng visa, hindi rin aniya tiyak kung papayagan siyang makapasok doon.

Dahil dito, ayon kay Secretary Panelo, ibinibigay na raw ng Pangulo sa US ang desisyon kung nais ba talaga nilang imbitahan ang Pangulo sa kanilang bansa o hindi.

YOU MIGHT ALSO LIKE