!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Pangulong Duterte, naglatag ng marching orders sa incoming AFP Chief of Staff
By Racquet Bayan - September 21, 2019 , 10:57 am

Nagbigay ng marching orders si Pangulong Rodrigo Duterte kay Lt. Gen. Noel Clement bilang incoming Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kabilang dito ang pagpapatuloy ng kampanya ng pamahalaan na matuldukan na ang local communist armed conflict.

Ayon kay Panelo, hindi na bago para kay Clement ang mandatong ito, dahil dati na itong namuno sa AFP Central Command (CentCom).

Dati na rin itong naging commander ng Philippine Army 10th Infantry Division (10th ID) at Deputy Chief of Staff for Operations.

Kumpiyansa aniya ang Palasyo, na ipatutupad ni Clement ang pinakamataas na antas ng propesyunalismo sa paglilingkod, dedikasyon at integridad na ipinamamalas ng mga sundalo sa harap ng watawat ng Pilipinas at sa bansa.

YOU MIGHT ALSO LIKE