!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Pangulong Duterte, nakarating na ng Japan 
By Alvin Baltazar - October 22, 2019 , 12:10 pm

Alas-12:54 kaninang madaling araw dumating si Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan kaugnay ng gagawin nitong pagsaksi sa Ceremonies of the Accession to the Throne ng bagong Emperor ng Japan mamayang hapon.

Ilan sa mga sumalubong sa Pangulo sa kanyang pagdating ay sina dating Japan Ambassador to the Philippines Kazuhide Ishikawa at Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V.

Bago mag-alas-2:00 ng madaling araw ay dumating naman ang Chief Executive sa Imperial Hotel kung saan ito maglalagi habang nasa Tokyo.

Makakasama mamayang hapon ng Pangulo sa enthronement ni His Majesty Emperor Naruhito si Presidential Daughter at Davao City Mayor Sara Duterte, na dadalo din sa Emperor’s Banquet mamayang gabi.

Bukod kay Mayor Sara, kasama rin sa maliit na delegasyon ng Pangulo si Senador Bong Go, Special Envoy to Japan for Trade and Market Access na si dating House Speaker Sonny Belmonte at Presidential Spokesperson  Salvador Panelo.

YOU MIGHT ALSO LIKE