Pangulong Duterte, naniniwalang malinis si Police Lt. Col. Espenido
By Racquel Bayan - February 15, 2020 , 12:24 am

Naniniwala si Pangulong Rodrgio Duterte na malinis si Police Lt. Col. Jovie Espenido.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa gitna ng lumutang na balita na kabilang ang pangalan ni Espenido sa narco-list.

Si Espenido ay isa sa mga poster boy ng Pangulo sa kampaniya ng administrasyon kontra iligal na droga.

Naging laman ng balita ang pangalan ni Espenido matapos masawi ang mga suspected narco-politicians na sina Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at Ozamis Mayor Reynaldo Parojinog habang siya ang nagsisilbing Chief of Police sa nabanggit na mga lugar.

Ayon kay Secretary Panelo, mayroon lamang black propaganda na ipinakalat upang dungisan ang reputasyon ni Espenido sa paningin ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng mga Pilipino, at upang idiskaril ang kampanya nito laban sa iligal na droga.

Binigyang-diin ni Secretary Panelo na patuloy na tinatamasa ni Espenido ang tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Duterte sa kaniya.

Naniniwala aniya si Pangulong Duterte na ang mga ulat ng umano’y pagkakasangkot nito sa iligal na droga ay isang kasinungalingan.

YOU MIGHT ALSO LIKE