!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Pangulong Duterte, umaasa na palalakasin ng lahat ng LGUs ang sektor ng senior citizens
By Racquel Bayan - November 22, 2019 , 4:46 pm

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na gagayahin ng ibang lokal na pamahalaan sa Pilipinas ang layon ng Taguig City na iangat ang buhay ng mga senior citizen sa bansa.

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay kasunod ng pagpapasinaya ng Taguig sa kanilang program center na inilaan para sa mga nakatatanda.

President Rodrigo Roa Duterte inspects the facilities of the Taguig City Center for the Elderly during his visit on November 21, 2019. With the President is House Speaker Alan Peter Cayetano. KING RODRIGUEZ/PRESIDENTIAL PHOTO

Paliwanag ng Pangulo, ang mga senior citizen kasi ay ang mga nagsilbing pundasyon ng pamilyang Pilipino, dahil sa papel na ginampanan ng mga ito sa paghubog ng ating bansa.

President Rodrigo Roa Duterte inspects the facilities of the Taguig City Center for the Elderly during his visit on November 21, 2019. ALFRED FRIAS/PRESIDENTIAL PHOTO

Ito aniya ang panahon upang tumanaw ng utang na loob sa kanila, iparamdam na na-appreciate sila at bigyang pagkilala ang ginampanan nilang papel sa ating buhay, sa pamamagitan ng pagbibigay sakanila ng mga pag-aalaga at suportang kanilang kinakailangan.

Ayon sa Pangulo, na-appreciate niya ang commitment ng Taguig na tiyaking walang sinoman sa kanilang lungsod ang maiiwan, anoman ang katayuan sa buhay, edad o kasarian.

YOU MIGHT ALSO LIKE