Panibagong balasahan sa PNP, inanunsyo
By Leo Sarne - August 15, 2019 , 1:07 pm

Inanunsyo ni PNP Spokesperson Police BGen. Bernard Banac ang pagtatalaga ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde ng mga bagong opisyal sa ilang matataas na posisyon sa PNP.

Ayon kay Banac ang balasahan na epektibo ngayong araw na ito, ay inaprubahan ng PNP Chief kahapon base sa rekomendasyon ng PNP Senior Officers Placement and Promotion Board (SOPPB).

Itinalaga bilang bagong Director ng Directorate for Research and Development si dating Civil Security Group (CSG) Director PMGen Reynaldo G. Biay.

Si dating Highway Patrol Group (HPG) Director PBGen. Roberto B. Fajardo  naman ang itinalagang bagong Civil Security Group Director.

Habang si PBGen. Eliseo Cruz naman ang uupong bagong HPG Director kapalit ni Fajardo.

Itinalaga naman bilang bagong Director ng Eastern Police District (EPD) si PBGen. Johnson C. Almazan, na galing sa Directorate for integrated Police Operations (DIPO) Visayas.

Habang si PCol. Alexander J. Samapaga mula sa Directorate for Human Resources and Doctrine Development (DHRDD) ang magiging Acting Executive Officer for DIPO Visayas.

YOU MIGHT ALSO LIKE