!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
Panukala na layong maglagay ng Malasakit Center sa lahat ng ospital ng DOH, nilagdaan na ng Pangulong Duterte
By Racquel Bayan - December 3, 2019 , 9:49 pm

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala na layong maglagay ng Malasakit Centers sa mga ospital ng gobyerno.

Sa ilalim ng RA 11463, layong maglagay ng one-stop shop sa mga opsital ng Department of Health (DOH) para sa medical at financial assistance sa mga nangangailangan.

Ang mga ospital ng DOH ay ang Philippine Heart Center, Lung Center of the Philippines, National Kidney and Transplant Institute at Philippine Children’s Medical Center.

Pinapayagan rin ang mga local government units (LGUs), state universities and colleges (SUCs), Philippine National Police (PNP), mga iba’t ibang departamento ng gobyerno na maglagay rin ng Malasakit Centers kung matitiyak nito na mayroong pondo para mamintina ito.

Ang kinakailangang budget ay huhugutin mula sa General Appropriations Act.

Iniatas naman sa DOH ang pagbalangkas ng implementing rules and regulations (IRR), 90-araw matapos ang effectivity ng batas.

Matatandaang si Senator Christopher Go ang principal author ng naturang batas.

YOU MIGHT ALSO LIKE