!-- Global site tag (gtag.js) - Google Analytics -->
PAWS, humingi na ng tulong sa publiko para sa mga hayop sa Batangas
By Rey Ferrer - January 15, 2020 , 5:09 pm

Umapela na ng donasyon ang Philippine Animal Welfare Society o PAWS para matulungan ang iba’t ibang uri ng hayop na naapektuhan ng pagputok ng bulkang Taal.

Partikular na hinihingi ng PAWS ang mga sariwang damo, pagkain ng manok, pato, baka at baboy, tubig at food bowls.

Maaari daw dalhin ito sa PAWS Shelter. mula alas-10 ng umaga hanggang alas tres ng hapon o di kaya ay ipadala na lamang.

Photo by PAWS FB account

Sa ngayon, tuloy-tuloy pa ang relief operations ng PAWS Disaster teams sa mga naiwanang hayop sa mga lugar na grabeng sinalanta ng ashfall.

Anila, nanghihina na ang mga naiwanang hayop dahil sa gutom at dehydration.

May mga nauna nang alagang kabayo ang nailikas na sa ligtas na lugar at nasa ilalim na ng pangangasiwa ng mga beterinaryo ng PAWS.

YOU MIGHT ALSO LIKE